Tuesday, March 31, 2009

kung bakit minsa'y pinapaslang ang pag-ibig

minsan ako'y kriminal.

sinisikil,
pinapaslang,
ibinuburol at
nililibing ko ang pag-ibig

sapagkat ang pag-ibig
minsa'y
makapangyarihan
dinudurog ang buong
pagkatao,
ang buong puso
sampu ng kaluluwa
ng umiibig.

tulad nitong bago kong
pag-ibig.

walang ibang sagot
kundi ang kamatayan
sapagkat
hindi sapat
na ika'y iniibig ko lamang
sapagkat
kailangang ako'y ibigin mo rin.

ngunit may iba kang mahal
hindi ako
kung kaya't bago mo malaman,
paalam

ngayong araw na ito'y
salarin ako
ng pag-ibig ko sa iyo

ibuburol ko ngayong gabi
at sana,
sana'y mailibing na rin
ng tuluyan.


*para sa bago kong pag-ibig, paalam.

No comments: