Tuesday, April 29, 2008
settling
instead, the afternoon took me to certain places and moments captured and printed on rectangles and yes, tears that somehow are no longer always ready to fall anytime just kept falling.
no, not of sadness.
yes, there is loneliness but more of the profound feeling of acceptance of things that for a time now, i can no longer find the strength to fight against. even to fight for.
as i looked at each memory immortalized in each photograph, i realized more and more how i have grown accustomed to all that this feelings i have for a particular beautiful being bring about. and then i asked myself again, after being taught upon to rationalize and see it as a choice, what is there really to choose from?
to move away only to find myself searching the way back again and again?
and yes, how does one empty its heart to give way to something new that may happen? or may not?
what does one really choose between loving albeit hurting and living without love? is it not a trick question?
perhaps, some hearts settle for less than what they want than nothing at all.
or some sweet things bought on the store at dawn.
sa isang sulok ng magdamag
kunukupkop ng madaling-araw
ang mga sandaling hinabi
sa bawat pagdalaw,
sa bawat nating pagyakap
sa bawat sandaling
nilalabanan,
kinukupkop rin
sa isang sulok ng magdamag
ang katotohanang pilit mang baguhi'y
nananatili.
nananatiling nakagapos
ang aking puso
nananatiling ikaw lamang
ilang ulit mang labanan
at sa isang sulok
ng bawat nating magdamag
nagkukubli ang bawat nating damdamin,
ang bawat pagtibok
ang bawat paghinga
at may lungkot
sa pagtuklas
na sa isang sulok ng magdamag
tiyak ang binibigkas
ng puso ko sa iyo
at ng puso mo sa akin,
na kahit sa iisang sulok sabay ang pagtibok
hindi pa rin iisa ang nadarama.
Wednesday, April 16, 2008
pati ang puso ko'y umaawit rin
inaawitan ng hangin
ang mga along
isinisigaw ang iyong pangalan
sa karagatan ng umagang
sinasalamin ng mga silahis ng araw
ang iyong mukhang kinasasabikan
hinahagkan kita
sa aking isipang
umaapaw sa iyong ala-ala
kasabay ng pusong
ikaw rin ang pinipintig
inaawitan ng hangin
ang maalong umagang
muli'y ikaw at ikaw lamang
ang ginugunita
kasabay ng hangin,
pati ang puso ko'y umaawit rin
April 16, 2008
Kawit, Medellin, Cebu
Thursday, April 10, 2008
magkasabay ang paghinga
masalimuot pa rin, oo, ang rubdob ay nananatili at ang pagsikat ng araw kanina'y isang gintong ala-ala.
tunay pa ring pag-ibig, hamon man nito'y sinasaksihan ng mga talang patuloy ginuguhit sa kalangitan ang bawat ala-ala.
tanong pa rin ay, may patutunguhan ba?
ang pagsinta'y nanatiling laan sa kanya na lagi't lagi nang naghahatid ng pangamba, ligaya
at ngayo'y wala na ngang paghihintay o pag-asa na dumating nang lubos,
kahit pa man sa iisang sulok, magkasabay ang paghinga
