fransiscan mountain clinic
kansalakan, banwage
guihulngan city, negros oriental
binalot ng dilim
ang liwanag ng daigdig
at ang katahimika'y
binabasag ng hangin
mahaba ang paglalakbay
tungo sa mapayapang daigdig na ito
na ngayo'y yakap-yakap
at sa isipa'y kinukupkop
tiyak ang pakay
ng pagparito
sa kabila na maapoy na araw
at ulang walang humpay
ngayong gabi'y
binalot ng dilim
ang buong daigdig
ikinubli sampu ng mga bituin
at hindi man mamasdan,
ang mga awit ng sapa
hatid nito ang katiyakang
bukas ay pag-asa
----------
mula sa lunduyang
hindi hagip ng iyong pananaw,
hatid ng panggabing hangin
ang mahigpit kong yakap
at ang aking mga halik
na katipan ng aking pananabik
hayaan mong iduyan ka
ng aking pag-ibig ngayong gabing
nilisan ng mga tala at ng buwan
sa daigdig na bagong tuklas
kung saan
ang katahimikan
hangin lamang ang nakababasag
ikaw ang laman ng isipan
habang inaawitan ng mga ibong ligaw
habang idinuduyan ng hangin
habang humahabi ng pag-asa
ang pusong ikaw ang pangarap
at sa aking mga panaginip
tiyak na ikaw ang kapiling
hinahagkan ko ang iyong mga labi
yakap kang anong higpit
at langit ay saksi
hindi pipigilan
kahit ng mga pag-abon
sa dapit-hapon
----
nothing in this universe
reminds me of you.
not a single bird
sings me your name
nor does the wind
touch me with your hands
the rivers
the springs
the creeks
do not write your name
on their ripples
even the moon
and the stars are absent
so that the sky
is dark at night
and does not draw your face
but i don't need the universe
to remember you
my heart beats nothing
but your name
and each breath i take
is only for you.
Sunday, May 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment