pati ang mga tala
na dati-rati'y iginuguhit
ang iyong pangalan
ngayon ay tila
sadyang kinalimutan
ang pangakong
habangbuhay magiging saksi
sa pagsintang inialay sa iyo
ang mga alon ng karagatan
hindi na inaawit
ang mga tula ng iyong pag-iral
o ang mga hinagpis
ng aking sa iyo'y bawat saglit
na pagtangi
o ang mga umagang pinangingiti
ng iyong yakap
ang aking puso
marahil,
kagaya ng pagsikat ng araw
o kaya'y pagtatakip-silim,
sumapit na ang wakas
ng aking pag-ibig sa iyo
gaano man ito kawagas
at tunay nga marahil
na ang bawat pag-ulan
sa madaling-araw
ay nagdadala ng bagong tibok
bagong tuwa
at ang hangin,
nitong dalampasigang tinatawid
ay bumubulong,
nagbabadya
ng bagong sanhi
ng patuloy na pagngiti
Sunday, June 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment