tinutukso ako ng umagang ito
ang mga silahis ng araw ay nanunutil
pilit binabalik
ang bawat mong pagngiti
umiindayog sa aking mga mata
ang liwanag
na unti-unting hinuhubog
ang iyong
maalindog na mukha
bakas sa mga ulap
ang iyong mga matang
minsa'y nalulumbay sa dilim
minsa'y maligaya sa madaling -araw
minsa'y mapang-akit s abukang liwayway
minsa'y tila walang bahala sa magdamag
ngunit hanggang dito na lamang
wala ni ano mang kapangyarihang hawak
na makapagpapatagpo sa ating mga puso
unti-unti'y
nag-aanimo pinto
itong panunumbalik-diwa
sasarhan ang anumang ala-ala
ng sa iyo'y aking pagsinta
Tuesday, June 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment