Monday, June 30, 2008

poems for a magical one

Towards your island of magic

slowly now,
we are again being separated
by the wind that whispers your name
by the waves that call on me
and the ripples are well-lit
even with invisible stars

songs are sang
by strangers i may never know
crowding the space betwee us
that grows wider each second

only for now though,
only for now.

i listen to my heart
and it beats softly
the hills
the rivers
the leaves
the bridges
the boats
the magic that surrounds you

and the sea
shall cradle me again
back to your island


beautiful arrivals

always,
you arrive in moments
of solitude

like when i am
about to
close my eyes at night
you appear instantly
smiling.

in my dreams,
you appear too
smiling.

and then,
i wake up
smiling.


mga pagdating na kayrikit

kinukupkop ako
ng iyong mga ngiti
sa bawat mong pagdating
sa tuwing nag-iisa
patungo
sa kung saan
mayroong tiyak
na katahimikan

halimbawa,
habang akoy papaidlip.

sa unang pagpikit
naaaninag ang iyong pisngi

o kaya'y
sa aking panaginip
dumarating ka,
mala anghel
may pakpak na puti,
at ika'y nakangiti

kung kaya't
sa pagsilang ng umaga
sa pagdampi ng unang sinag
sa aking mukha'y
may ngiti
sa aking mga labi

o kay rikit
ng bawat mong pagdating.


sa sinapupunan ng magdamag

sa sinapupunan
ng bawat magdamag
ipinagbubuntis
ang iyong
katangi-tanging
kariktan.

higit sa iyong
makinis na pisngi,
mga labing
kaysarap hagkan
at mga matang
lagi't laging ninanais
na mapako
sa akin lamang.

isinisilang
ng bawat madaling araw
ang iyong kislap
ang iyong kinang
na nagmumula sa iyong kaibuturan
na nagsisilang naman
sa bawat matamis kong
pagngiti



No comments: